photodito top banner

Teknolohiya (7)

2010 photographed by , under Canon EOS 450D, Litratong Pinoy, personal.

 

hard disk, hard drive, or HDD
Litratong Pinoy of Photodito

Eto ang aking koleksyon ng mga hard drayb. Mahilig akong kumuha ng mga litrato ng kung anu-anong mga bagay na umaaagaw ng aking atensyon lalo na ang mga bulaklak at halaman, mga lugar at magandang tanawin, at iba pa. Mahilig din akong kumuha ng bidyo ng mga mahalagang pagdiriwang at mga kaganapan patungkol sa aking anak. Bukod dito, nakasanayan ko din na manood ng pelikula. Masyadong malaki ang kinakain na espasyo ng isang klase ng bidyo at para sa akin ay medyo sagabal kung ilalagay ko ang mga ito sa DVD kaya bumili na lamang ako ng mga hard drayb para mas madali ang pagbukas at mas organisado ang aking mga files.

Blog Widget by LinkWithin

Photo/s originally uploaded by Fhaye

more cool photos

Tagged with , , , , .

7 Comments

ShutterHappyJenn  on July 1st, 2010

Ngayon na nahilig na akong kumuha ng mga litrato, nais ko na ring bumili ng external hard drive.

Ang aking LP ay nakapost DITO. Happy Huwebes!

bang  on July 1st, 2010

Padami ng padami ang mga naiimbento na hard drives :) Pero, I love it!

Happy LP!

eto ang lahok ko: http://sweetbitesbybang.com/2010/07/lp-teknolohiya/

Eye  on July 1st, 2010

Ang hassle nga ng mga DVD’s lalo na’t pag luma na eh minsan di na mabasa. 1TB ba yung WD? ;)

Fhaye  on July 1st, 2010

Salamat sa inyong mga komento. Malaki talaga ang naitulong sakin ng mga external na hard disk na ito. :)

emarene  on July 1st, 2010

very convenient talaga ang hard drives at pag malaki ang memory almost lahat puedeng i-save. at hindi pa masyadong kalat. I like how you took the pictures!

luna miranda  on July 2nd, 2010

kailangan ko rin ‘to.:p
sana makaimbento pa ng slimmer at mas compact na external hard drive.

photodito  on July 2nd, 2010

Salamat sa iyong pag komento. Oo, 1TB, madami akong nailagay.

Leave a Comment