Teknolohiya (7)
July 1st, 2010 by Fhaye, under Canon EOS 450D, Litratong Pinoy, personal.
Eto ang aking koleksyon ng mga hard drayb. Mahilig akong kumuha ng mga litrato ng kung anu-anong mga bagay na umaaagaw ng aking atensyon lalo na ang mga bulaklak at halaman, mga lugar at magandang tanawin, at iba pa. Mahilig din akong kumuha ng bidyo ng mga mahalagang pagdiriwang at mga kaganapan patungkol sa aking anak. Bukod dito, nakasanayan ko din na manood ng pelikula. Masyadong malaki ang kinakain na espasyo ng isang klase ng bidyo at para sa akin ay medyo sagabal kung ilalagay ko ang mga ito sa DVD kaya bumili na lamang ako ng mga hard drayb para mas madali ang pagbukas at mas organisado ang aking mga files.
Tagged with accessories, canon, personal, photography, things.









